^

Bansa

Minimum wage sa Korea itinaas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikinabang ang mga Filipino sa bagong ipatutupad na wage hike sa bansang Korea.

Sinabi ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, mula 1 Enero hanggang Dis­yembre 31, 2013,  ang minimum daily wage ay 38,880 Korean won, para sa 8 oras na pagtratrabaho araw-araw, o ang kabuuang buwanang suweldo na KRW 1,015,740 Korean won (katumbas ng USD 958.00).

Ang bagong rate ay kumakatawan sa 5.76 percent na mataas kumpara sa minimum wage rate noong 2012 na 36,640 bawat 8-hour na trabaho.

Gayunman, nilinaw dito na ang bagong minimum wage rate ay hindi maaaring ipatupad sa mga manggagawang may disabilities, mga nagtatrabaho sa fa­mily businesses, domestic workers at mga marino o seafarers.

Ang Minimum Wage Council ng Korea ay binubuo ng mga kinatawan mula sa management, labour at public interest na karamihan ay academicians at nagre­rekomenda ng minimum wage rate sa ministry of labor ng Korea. Mula 2004 ay umaabot na ngayon sa 30,000 Filipino ang nagtatrabaho sa Korea.

 

ANG MINIMUM WAGE COUNCIL

ENERO

GAYUNMAN

LABOR AND EMPLOYMENT SECRETARY ROSALINDA DIMAPILIS-BALDOZ

MAKIKINABANG

MULA

SINABI

WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with