Mag-asawang Gov. at Rep. Cerilles kinasuhan sa Ombudsman

MANILA, Philippines - Kinasuhan sa tanggapan ng Ombudsman si Zamboanga del  Sur Go­vernor Antonio Cerilles  at maybahay nito na si 2nd district  Rep. Aurora Cerilles dahil umano sa  P800 milyong pisong na­ lustay ng mag-asawa sa pamamagitan ng ka­ni­lang mga negosyong pi­­nasok.

Sa 18-pahinang reklamo nina Zamboanga del Sur Provincial Budget Officer Rogelio Montealto; Provincial Accountant Ber­­nadette Ordonez; Provincial Treasurer Pedro  Ra­mirez, Jr. dating chief of staff nito na sina Ruel  Molina, Tyrone Singgo at former executive assistant on Muslim Affairs Mustapha Piang,  inakusahan ng mga ito ang mag-asawang Cerilles na nakinabang sa ilang mga pribadong negosyo na pinasok gamit ang pera ng kapitolyo.

Ilan umano sa mga negosyong ito ay ang Hotel Alindahaw, Alindahaw Lakewood, ZDS, Pensionne Yllana, Boss Coffee, McDonald’s Fastfood, Building Resources, Jetti Gas Station-Tiguma, LTO-Tiguma, SKT Laba­ngan at iba pang mga establisyemento.

 

Show comments