K-12 lusot sa Senado

MANILA, Philippines - Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang “K to 12” na naglalayong mapabuti ang sistema ng edukasyon kung saan magdadagdag ng dalawang taon sa kasalukuyang “ten-year curriculum”.

Sinabi ni Sen. Edgardo Angara, pangunahing nagsusulong ng K to 12 o Enhanced Basic Education Act of 2012, mas lalakas ang laban ng mga Filipino sa larangan ng edukasyon kung madadagdagan ang haba ng panahon na kanilang ipag-aaral.

Ang Pilipinas sa ngayon ay isa sa tatlong bansa sa mundo na hindi nagpapatupad ng 12-year curriculum sa sistema ng edukasyon.

Sa panukala, ang elementary education ay bubuuin ng isang taon sa kindergarten at anim na taon sa elementary habang ang secondary ay magiging apat na taon na junior high school at dalawang taon na senior high school.

Show comments