Bagong NFA administrator itinalaga

MANILA, Philippines - May itinalaga nang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) si Pangulong Benigno Aquino III bilang kapalit ng nagbitiw na si Lito Banayo, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ang itinalagang bagong NFA administrator ni Pa­ngulong Aquino ay si Mr. Orlan Agbin Calayag na may termino mula July 1, 2012 hanggang June 2013. Siya ay dating chief of staff ni Agriculture Sec. Proceso Alcala

Magugunita na nagbitiw si NFA Administrator Banayo noong September 2012 matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy upang tumakbong kongresista sa 1st district ng Agusan del Norte sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Samantala, itinalaga din ng Palasyo bilang commanding general ng Philippine Army (PA) si Lt. Gen. Noel Coballes na kapalit ni Lt. Gen. Emmanuel Bautista sa PA na itinalaga namang AFP chief of staff ni Pangulong Aquino.

Show comments