Lim, Erap nagkita sa pista ng Tondo

MANILA, Philippines - Nagkasalubong sina Manila Mayor Alfredo S. Lim at dating Pangulong Erap Estrada sa tradis­yunal na prusisyon ng mga imahe ng Poong Sto. Nino sa bisperas ng kapistahan kahapon.

Nagdulot ng reaksiyon sa crowd ang pagsasalubong ng prusisyon ni Lim at Estrada, na sakay sa ma­laking truck, at naghahagis ng mga kulay orange na t-shirt.

Nagawa namang puntahan pa sa opposite lane ni Lim si Estrada na nakahimpil ang truck, na habang papalapit ang alkalde ay sumasaludo naman ang dating Pa­ngulo.

Nakipagkamay si Lim kay Estrada na sinamantala naman ng mga residente para magpakuha ng litrato at mag-pose sa tabi ng dalawa.

Kahapon ay itinuloy ang prusisyon na umabot sa 4-na oras, dahil sa mga kalye na hindi nalibot nitong Sabado matapos ang misa sa Sto Niño church.

Show comments