MRT lalagyan ng camera

MANILA, Philippines - Higit pang pinaigting ng Metro Rail Transit (MRT) ang ipinatutupad nilang seguridad sa kanilang 13 istasyon. Ito’y kasunod nang inaasahang paglulunsad ng bagong monitoring system ng MRT, kung saan tatlong camera ang ilalagay sa bawat isa sa 13 istasyon nito na magbibigay ng live video sa sitwasyon sa lahat ng area ng mga istasyon.

Ayon kay MRT general manager Al Vitangcol III, ito ang unang pagkakataon kung saan maaaring makita ng mga commuters ang mga nangyayari sa loob ng bawat istasyon, sa pamamagitan lamang ng pag-click ng mga ito sa website ng MRT gamit ang kanilang computer, smartphone at androids.

Sinabi ni Vitangcol, layunin nito na matulungan ang mga commuters na magdesisyon kung anong istasyon ang pupuntahan.

Matutulungan rin aniya nito ang management na ma-monitor ang malaking bilang ng commuters.

Aniya, maaaring magpadala ang MRT management ng skipping train sa istasyon kung saan mayroong maraming bilang ng mananakay.

Show comments