200k overseas absentee voters inalis ng Comelec
MANILA, Philippines - Umaabot sa may 200,000 overseas absentee voters ang tinanggal sa listahan ng Commission on Elections (Comelec) matapos na hindi magsumite ng manifestation of intent to vote para sa May 2013 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, pinaÂdalhan nila noon ng notice ang 200,000 OAV matapos na hindi makaboto sa dalawang sunod na eleksiyon.
Nakasaad aniya sa notice ang pagpapaalala sa mga rehistradong OAV na ide-delist sila sa listahan kapag hindi magsumite ng manifestation of intent to vote.
Subalit sa 200,000 anilang pinadalhan ng notice ay 29 lamang ang tumugon.
Depensa pa ni Brillantes, nagsagawa sila ng de-listing of voters sa mga Pinoy sa ibang bansa upang makumpirma kung gaano karami ang mga botante para sa ihahanda nilang balota.
“Just imagine we will prepare 978,000 plus ballots and then not all of them will vote?†paglilinaw ni Brillantes.
Sa Resolution No. 9567 ng Comelec, aalisin sa listahan ang mga botante na bigong bumoto sa magkasunod na halalan.
Binigyan pa aniya ng palugit na hanggang December 21, 2012 ang mga OAV upang ma-reactivate ang kanilang rehistrasyon ngunit mistulang binalewala lamang. Nabatid kay Brillantes na may 915,000 registered absentee voters ngayon sa ibayong dagat.
- Latest