^

Bansa

Hindi pantay na hatian ni Enrile sa MOOE ugat ng kontrobersiya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi sana nagkaroon ng kuwestiyon at kontrobersiya sa pamamahagi ng karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) kung naging parehas ang pamamahagi ni Senate President Juan Ponce Enrile sa 23 senador.

Ayon kay Sen. Edgardo Angara na dati na ring naging Senate President, nakagawian na ang pamimigay ng karagdagang MOOEs sa bawat miyembro ng Senado pero ngayon lamang nagkaroon ng kuwestiyon tungkol dito.

Sinabi ni Angara na posibleng ginawa rin niya ang nasabing pamimigay ng karagdagang MOOE pero awtorisado naman umano ito at maitutu­ring na isang “honored tradition”.

Pero ito umano ang unang pagkakataon na nalaman ni Angara na hindi pantay ang naging distribusyon ng karagdagang MOOE.

Kabilang sa mga hindi nakakuha ng pantay na MOOE sina Sen. Miriam Santiago, Senate Mino­rity Leader Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Antonio Trillanes IV.

Pero wala rin naman aniyang mali kung hindi naging pantay ang distribusyon dahil “judgement call” ito ng Senate President.

ANGARA

ANTONIO TRILLANES

EDGARDO ANGARA

LEADER ALAN PETER CAYETANO

MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES

MIRIAM SANTIAGO

PERO

PIA CAYETANO

SENATE MINO

SENATE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with