^

Bansa

Pilot test sa Angono, Rizal: Prepaid na kuryente go na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Go na ang prepaid na kuryente at nagsasagawa na ang pamunuan ng Manila Electric Corporation (MERALCO) ng ‘pilot testing’ sa Angono, Rizal.

Inilunsad ng MERALCO ang pilot test ng Prepaid Retail Electricity Scheme (PRES) dahil sa layunin mapababa ang konsumo ng kuryente ng bawat kabahayan.

Ang pilot testing ay isinagawa sa 100 kabahayan sa Angono, Rizal kamakailan na sinasabing magugustuhan ng mga residente. 

Ayon kay Alfredo Panlilio, head ng customer retail services ng MERALCO, malalaman nila ang resulta ng eksperimento sa susunod na linggo.

Kabilang sa inaasahan nila kung epektibo ang pagkakaroon ng “prepaid electricity” kung mapapababa ang konsumo at singil sa bawat tahanan.

Gagamitin nila ang resulta nito sa susunod na mga hakbang at ang isusunod na pilot test ay sa mga komersyal na establisimiyento.

“The pilot tests will determine if the prepaid retail electricity scheme will be good for Meralco’s business, and provide lasting benefits for its customers,” ani Panlilio.

Nabatid na dahil sa malalaman agad ng customer ang konsumo at natitirang load at makakatanggap ng abiso na malapit nang maubos ang kanilang load, magaga­wang magtipid sa kur­yente ng isang tahanan upang magkasya ang natitira nilang load.

ALFREDO PANLILIO

ANGONO

AYON

GAGAMITIN

INILUNSAD

KABILANG

MANILA ELECTRIC CORPORATION

PREPAID RETAIL ELECTRICITY SCHEME

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with