MANILA, Philippines - Maglalagay ng video cameras at blinkers ang PNP sa pagsasagawa ng checkpoint para maÂkatawag ng pansin sa mga motorista.
Ang bagong sistema ay bahagi ng ipinatutupad na nationwide gun ban kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo 2013.
Pinaalala naman ng Comelec na hindi dapat tumagal ng hanggang 10 segundo sa checkpoint at hindi kinakailaÂngan na bumaba sa sasakyan ang motorista.
Hindi rin kailangang buksan ang mga compartment ng sasakyan maÂliban kung kusang loob na ipinakita ng motorista.
Para sa mga motoÂrista, payo ng ComeÂlec, dapat ay kanilang tingnan kung naka-uniÂform ang pulis at nakaÂlagay ang pangalan ng executive officer at cellphone number para mabilis na matawagan.
Noong May 2010 elections ay nakakumpiska sila ng 2,742 firearms at 3,186 ang naaresto.