^

Bansa

Krimen bumaba

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinida kahapon ni Pangulong Aquino ang pagbaba ng krimen sa bansa mula 2011 hanggang 2012.

Maging ang kidnap-for-ransom ay bumaba sa 11 kaso na lamang noong nakaraang taon kumpara sa 25 kaso noong 2011.

Sinabi rin ng Pa­ngulo na ang mga krimen na ginagawa ng mga organized crime groups ay bumaba rin mula 35 noong 2009, 21 noong 2010, 11 noong 2011 at anim na lamang noong nakaraang taon.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo na limang kaso na lamang ang kidnap-for-ransom cases ng mga teroristang grupo na naitala noong nakaraang taon mula sa 25 kaso noong 2009.

Samantala, pinuri rin ng Pangulo ang mga miyembro at opisyal ng Movement for Restoration of Peace and Order kabilang na si Teresita Ang-See na ikinumpara pa ng Pangulo sa kanyang namayapang ina na si da­ting Pangulong Corazon Aquino.

Umaasa umano ang Pangulo na darating ang panahon na wala ng krimen na magaganap sa bansa.

 

 

IBINIDA

IPINAGMALAKI

NOONG

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

RESTORATION OF PEACE AND ORDER

SAMANTALA

TERESITA ANG-SEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with