PNoy naghain ng application para sa gun ban exemption sa Comelec

MANILA, Philippines -  Naghain kahapon ng aplikasyon para sa gun ban exemption sa Commission on Elections si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Ito ang kinumpirma ni Comelec  Commissioner Elias Yusoph, chairman ng Comelec Special Com­­mittee on Election Gun Ban.

Umaga umano nang dumating sa tanggapan ni Commissioner Yusoph ang aplikasyon para sa baril ng Pangulong Aquino.

Ayon kay Commissioner Yusoph, ang apli­kasyon ng Pangulo ay para sa maikli at mahabang mga armas.

Tiniyak ni Commissioner Yusoph na gaya ng iba pang aplikante para sa gun ban ay daraan sa proseso ang aplikasyon ng Pangulo tulad ng eva­luation bago aprubahan.

 

Show comments