^

Bansa

BFP kinuwestiyon sa itinalagang opisyal

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Pinuna ang kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa paglalagay umano ng hindi eks­peryensiyadong opisyal para mamahala sa pinakamalaking distrito sa Metro Manila.

Ayon sa ulat, inirekomenda ni BFP Officer-in-Charge Chief Supt. Ruben Bearis sa Department of the Interior and Local Government ang isang matagal nang provincial commander na pamunuan ang Quezon City Fire District.

Kinumpirma ng sources sa DILG na isang Supt. Jesus Fer­nandez y Piedad ay nag­report na umano sa tanggapan ni Undersecretary Rafael Santos nitong Lunes at nagsumite na ng rekomendasyon si Bearis na nagtatalaga sa kanya bilang fire marshal ng QC kung saan papalitan nito si Senior Supt. Bobby Baruelo.

Nagtapos sa Philippine National Police Academy batch 1994, si Fernandez ay may ranggong Colonel at hindi man lamang umano naitalaga sa Metro Manila at maa­ring mamuno sa mataong siyudad tulad ng QC.

Nakatakda ding palitan nito ang isang Senior Superintendent na senior niya ng pitong taon. Si Baruelo ay kabilang sa PNPA Batch 87.  

Ang aksyon ay nagtaas ng kilay ng iba pang BFP officials na nagpahayag ng pagdududa sa background ni Fer­nandez at kakayahang hawakan ang malaking siyudad.

Ang Metro Manila ang may pinakamara­ming insidente ng sunog sa bansa.

“Baka maligaw sya at hindi nya kayanin ang pressure dito sa Metro Manila,” sabi pa ng opisyal.

ANG METRO MANILA

BOBBY BARUELO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

JESUS FER

METRO MANILA

OFFICER-IN-CHARGE CHIEF SUPT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

QUEZON CITY FIRE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with