^

Bansa

P50-M shabu sa gatas natimbog sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahulihan ng mahigit 11 kilong shabu na nagkakahalaga ng nasa P50 million ang isang lalaki sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi.

Sa isinumiteng report kay Customs Commissioner Ruffy Biazon nina NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs police Byron Carbonell, ng Task Force React, BoC, kinilala ang suspek na si Rosendo Bastatas Ariata, nasa hustong gulang at isang Filipino.

Si Ariata ay galing ng Hong Kong sakay ng Philippine Airlines, PR flight 307 at dumating sa NAIA dakong alas-9:00 ng gabi.

Dahil sa kahina-hinalang kilos at kaduda-dudang bagahe ay sinita ito ng mga tauhan ni Biazon at tinangka pa umanong suhulan ang isa sa mga Custom police na si Antonio Punzalan.

Nang inspeksyunin ng mga taga-BoC ang bagahe ng suspek ay nakita ang pitong kahon ng gatas na naglalaman ng shabu.

Agad na dinakip si Ariata na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Nababahala naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil ito ang unang pagkakaton na isang Pilipino ang
 nagsilbing drug mule ng sindikato.

ANTONIO PUNZALAN

ASSISTANT CHIEF AND INVESTIGATION CUSTOMS

BYRON CARBONELL

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DISTRICT COMMANDER MARLON ALAMEDA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

HONG KONG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with