MANILA, Philippines - Hindi isang uri ng spy plane kundi isa lamang aerial target drone ng Estados Unidos ang bumagsak na unmanned aircraft na natagpuan ng mga maÂngingisda noong Enero 6 sa karagatan ng San Jacinto, Masbate.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., base sa kanilang inisyal na assessment, ang natagpuang aerial target drone ay ginamit sa military exercise sa labas ng teritorÂyo ng karagatan ng bansa sa Pacific Ocean.
Paliwanag ni Burgos na posibleng tinangay lamang ng malakas na alon ang nasabing aerial vehicle kaya napadpad sa Masbate.
Sa assessment ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division sa aerial target drone, maari o ligtas na umanong i-transport ang nasabing sasakyang panghimpapawid.
Itinurnover naman ng San Jacinto Police sa kustodiya ng Philippine Navy Southern Luzon Command ang pangaÂngalaga sa aerial vehicle na walang piloto.
Nilinaw naman ng US Embassy na ang nasabing drone ay hindi ginagamit sa surveillance operations tulad ng mga haka-haka.