^

Bansa

Chinese Police haharangin na ang mga barkong dadaan sa South China Sea!

Ellen Fer­nando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na uma­nong ipatupad ng China ang kanilang bagong “martime law” na nagbibigay kapangyarihan sa mga Chinese Police na mangharang, sumampa at mag-search sa mga dayuhang barko na daraan o tatawid sa South China Sea kabilang na sa pinag-aagawang teriotoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Nabatid na simula Enero 1,  2013,  ang mga Chinese Police ay may karapatan nang sumampa at mag-search sa mga dayuhang barko na maglalayag o dadaan sa anumang bahagi ng South China Sea o may 12 nautical miles sa Hainan coast alinsunod na rin sa nasabing bagong batas ng China.

May dalawang Chinese Maritime ships na Haijian 75 at Haijian 84 ang ipinadala ng China sa South China Sea ng nakalipas na linggo at ngayon ay nagsasagawa na ng surveillance sa nasabing rehiyon.

Magugunita na umal­­ma ang Pilipinas at Vietnam sa nasabing bagong maritime law subalit iginiit ng China na ipatutupad lamang nila ang kanilang sariling bagong batas.

Gayunman, binig­yang-diin ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanilang itutuloy ang diplomatic talks sa pagitan ng mga claimants kabilang na ang China, Taiwan, Brunei, Malaysia at Vietnam upang igiit ang sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, idedepensa pa rin ng DFA ang posisyon ni Pangulong Aquino na ipatupad ang “rule of law” at iginiit na ang teritoryo ng Pilipinas ay sa Pilipinas lamang.

Nitong nakalipas na linggo inianunsyo na rin ng Taiwan na sisimulan na nila ngayong 2013 ang oil exploration sa Spratlys.

CHINA

CHINESE MARITIME

CHINESE POLICE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

HAIJIAN

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with