^

Bansa

Meralco magbibigay ng refund

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panibagong refund ang handog ng Manila Electric Company (Meralco) para sa mga kostumer nito nga­yong Enero.

Ayon kay Dina Lomotan, pinuno ng External Affairs ng Meralco, bukod sa refund ng aktuwal na bill deposit na naibigay na noong isang taon ay maaari na ring i-refund ang interes nito ngayong buwan. Padadalhan nila ng sulat ang mga kostumer nila hinggil sa refund.

“Itong January, padadalhan naman namin ang mga customers ng sulat na pwede nilang i-refund ang bill deposit kasama ang interes,” pahayag ni Lomotan.  “For January, makakatanggap po ‘yung iba na nagbabayad po ng on or before the due date for the past three years. Makakatanggap sila ng sulat na pwede nilang i-refund kung gusto nila ang kanilang bill deposit plus interest o maaari nilang ipunin yung interest per billing.”

Paraan umano ito ng Meralco upang mahikayat ang kanilang mga kostumer na magbayad sa tamang due date.

Gayunman, nilinaw ni Lomotan na sakaling bigong makapagbayad o huli sa pagbayad ang isang customer sa takdang due date nito ay muli siyang sisingilin ng Meralco ng bill deposit.

vuukle comment

AYON

DINA LOMOTAN

ENERO

EXTERNAL AFFAIRS

FOR JANUARY

GAYUNMAN

ITONG JANUARY

LOMOTAN

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with