Patay kay Quinta, 20 na

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 20 ang namamatay sa bagyong Quinta habang ang nasirang ari-arian ay umabot na sa P224.915 million.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang huling biktima ay mula sa Western Visayas at kinilala ang mga ito na sina Benedicto Castor, 72; Jezel Superio, 2; Nilo Icawalo, 54; Romeo Idorita, 63; Jaymar Egamino, 16; Joel Jimenea, 37; Edwin Farinas, 46; at Osot Sabdane, 40

Umabot lamang sa tatlong tao ang nasugatan habang apat naman ang naitalang nawawala.

Nasa 50,291 pamilya o 241,693 tao sa may 557 barangay sa 60 bayan at walong siyudad sa siyam na probinsya ang naapektuhan ni Quinta.

Show comments