^

Bansa

Signal No.2 na sa 5 lalawigan… Bagyong Quinta lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumakas ang Bagyong Quinta habang kumikilos papuntang silangan ng  Visayas.

Kahapon, alas-11:00 ng umaga, si Quinta ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) sa la­yong 260 kilometro silangan ng  Guiuan, Eastern Samar   taglay ang lakas ng hanging  65 kilometro kada oras   malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang  80 kilometro bawat oras.

Si Quinta ay patuloy na kumikilos pakanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras  bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 2 sa Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Visayas at Dinagat Province sa Siargao Island sa Mindanao.

Signal number No.1 naman sa Northern Samar, Western Samar, East Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Provinces, Misamis Oriental, Camiguin Samar, Biliran, Bohol, Cebu, Camotes Island sa Visayas at Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Provinces, Misamis Oriental at  Camiguin sa Mindanao.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na ugaliing mapagmasid at maghanda upang makaiwas sa disgrasya.

AGUSAN PROVINCES

BAGYONG QUINTA

CAMIGUIN SAMAR

CAMOTES ISLAND

DINAGAT PROVINCE

EAST SURIGAO DEL NORTE

EASTERN SAMAR

MISAMIS ORIENTAL

SURIGAO DEL SUR

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with