^

Bansa

AFP-PNP nakaalerto vs CPP anniversary

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang araw bago ang ika-44  anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP), umalerto na kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Phi­lippine National Police sa posibleng paglulunsad ng komunistang grupo ng mga pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng  bansa.

Ito’y sa kabila ng idineklarang ceasefire ng AFP na nag-umpisa noong Disyembre 16 at tatagal hanggang Enero 2013.

Tinapatan naman ito ng CPP-National Democratic Front ng tigil putukan na nagsimula naman nitong Disyembre 20 hanggang Enero 15, 2012.

Una ng nasilat ng nagsanib puwersa ng mga sundalo at pulis ang pag-atake ng mga rebelde matapos masakote sa checkpoint sa Tayuman Patrol base sa San Francisco, Quezon ang tatlong lider ng NPA at 3 miyembro ng mga ito na nagpaplanong umatake sa tatlong bayan noong Sabado.

Sa tala, sa kabila ng ceasefire karaniwan na kasing naglulunsad ng mga pag-atake ang mga rebelde tulad ng mga ambuschades, paglusob sa mga himpilan at munisipyo gayundin sa pananabotahe sa mga instalasyon ng gobyerno sa tuwing magdaraos ng anibersaryo.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi naman ni PNP Chief P/Director Alan Purisima na inalerto at binigyan na rin niya ng direktiba ang mga unit commanders ng pulisya sa mga rehiyon at lalawigan na maging vigilante sa lahat ng oras laban sa mga pag-atake at pagsasamantala ng NPA.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP CRAME

CHIEF P

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR ALAN PURISIMA

DISYEMBRE

ENERO

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NATIONAL POLICE

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with