^

Bansa

Training school sa mga bagitong pulis itatayo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isinulong ng mga mam­babatas ang panukalang pagbuo ng Police Training and Development System (PTDS) na siyang magsisilbing pa­ngunahing training ins­titute sa mga bagong po­lice recruits.

Sa ilalim ng House Bill 6732 na inihain nina Reps. Rodolfo Antonino (Nueva Ecija) at Pablo John Garcia (Cebu), ang lahat ng police training schools ay pagsasamahin sa ilalim ng PTDS.

Ang PTDS ay bubuuin ng Philippine National Police Academy (PNPA), Police National Training Institute (PNTI) at mga regional training schools nito, National Police College (NPC), National Forensic Science Training Institute (NFSTI) at iba pang institutes o special training centers.

Sinabi ni Antonino na dapat direktang nasa ilalim ang mga police aca­demies at training schools sa pinuno ng police force ng bansa, tulad ng bansang United Kingdom at United States.

Nakapaloob pa sa pa­nukala na ang Fire National Training Institute (FNTI) at Jail National Training Institute (JNTI) ay sasailalim naman sa pangangasiwa ng De­­ partment of Interior and Local Government (DILG).

Matitigil naman ang PNP Training Service bi­lang National Support Unit ng PNP at ilalagay sa ilalim ng PTDS. Ang mga civilian employees ng PPSC ay kukunin ng PTDS. Subalit, kung nais nilang lumipat sa JNTI at FNTI ay pinapayagan ito ng panukala.

FIRE NATIONAL TRAINING INSTITUTE

HOUSE BILL

JAIL NATIONAL TRAINING INSTITUTE

NATIONAL

NATIONAL FORENSIC SCIENCE TRAINING INSTITUTE

NATIONAL POLICE COLLEGE

NATIONAL SUPPORT UNIT

SHY

TRAINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with