^

Bansa

Masisibak na lokal na opisyal marami pa

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahan na ng opo­sisyon sa Kamara na ma­rami pang lokal na opisyal ng gobyermo ang masisibak o masusus­pinde sa pwesto lalo na ang mga hindi kaalyado ng kasalukuyang admi­nistrasyon.

Sinabi nina House Mi­nority leader at Deputy Minority leader Milagros Magsaysay, normal na proseso na ito habang pa­palapit ang eleksyon. Bilang patunay tatlo na sa kanilang kapartido sa Lakas-CMD ang nasibak mula ng pumasok ang election season.

Paliwanag ni Suarez ginagawa ito bilang political posture para makontrol ang local elected officials na talaga naman umanong nangyayari ka­pag papalapit ang halalan.

Para naman kay Mag­saysay, masyadong ha­ lata ang ipinataw na suspensyon kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia dahil bukod sa malapit na ang eleksyon ay alam naman ng lahat kung sino ang ipapalit dito.

Mariin naman pinabulaanan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nasabing alegasyon at sinabing walang kinalaman ang Liberal  Party laban sa reklamo kay Pan­ga­sinan Gov. Amado Espino at Garcia.

Katwiran ni Evardone, ang reklamo laban kay Espino ay batay sa salaysay ng mga testigo na tumanggap umano ng jueteng payola ang gobernador samantalang ang kaso ni Garcia ay inaksiyunan lamang ng DILG at Office of the Executive Secretary kayat walang halong pamumulitika ang kaso ng dalawa.

Higit sa lahat hindi umano dapat ituro ang ehekutibo o ang LP kahit pa sinusuportahan nito ang good governance ni Pangulong Aquino.

AMADO ESPINO

BEN EVARDONE

CEBU GOV

DEPUTY MINORITY

EASTERN SAMAR REP

GARCIA

GWENDOLYN GARCIA

HOUSE MI

MILAGROS MAGSAYSAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with