^

Bansa

Utos ni P-Noy at Biazon nilabag...Maluhong X-mas party sa BOC-Subic

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilabag umano ng mga empleyado ng BOC-Subic ang panawagan nina Pangulong Benigno Aquino III at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon na iwasan ang pagdaraos ng magagarbong Christmas Party.

Sa reklamo ng ilang importer sa BOC-Subic, humihingi umano ang ilang opisyal ng ahensiya ng malaking kontribusyon para sa naturang okasyon.

Ayon sa ilang importer sa pangunguna ni Bert dela Cruz, nanghihingi ang ilan sa opisyal ng  BOC-Subic ng P100,000 bilang kontribusyon sa Christmas Party ng naturang  sangay ng kawanihan sa Subic Freeport.

“Batid po namin ang panawagan ni P-Noy at Commisioner Biazon na huwag magdaos ng magagarbong Christmas Party lalo’t may kalamidad sa Mindanao pero tila ayaw sumunod ng ilang sa nakakataas sa kanila,” ayon sa importer na dating lokal na opisyal sa Pampanga.

Aniya, tinustusahan umano ang kanilang tanggapan ng halagang P100,000 bilang kontribusyon sa party at ang ilan naman ay higit pa.

Isang alyas “Ong” umano mula sa BOC-Manila ang lider ng grupo na nakatalaga sa Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), isang alyas “Diego” ang coordinator sa brokers at alyas “Julius” ang naka-assign sa BOC-Subic.

Inakusahan din ng mga importer ang RCMG na sa halip manghuli ng mga smuggler ay nanghihingi ng P6,000 sa bawat truck unit at P15,000 hanggang 60,000 sa bawat heavy equipment na kapag hindi nagbigay ay inaalerto ang mga kargamento kahit nagbabayad ng wastong buwis.

Nais ng mga importer na imbestigahan ni Comm. Biazon ang kanilang reklamo hinggil sa paghingi sa kanila ng malaking ‘lagay’  na gagamitin sa Christmas Party.

ANIYA

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CHRISTMAS PARTY

COMMISIONER BIAZON

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

PANGULONG BENIGNO AQUINO

REVENUE COLLECTION MONITORING GROUP

SUBIC

SUBIC FREEPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with