Balasahan sa Gabinete

MANILA, Philippines - Ipinahiwatig ni Pa­ngulong Aquino na magkakaroon ng revamp sa kanyang Gabinete sa susunod na taon.

Ayon kay Pangulong Aquino sa dinner sa Malacanang reporters kamakalawa ng gabi, ilang miyembro ng Gabinete ang maaapektuhan ng revamp.

Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sino-sino ang mga ito na tatamaan sa isasagawang revamp sa susunod na taon.

Ikinatwiran ni PNoy, ilan sa kanyang mga opisyal ay nais nang makasama ang kanilang pamilya at mamuhay ng pribadong mamamayan.

 

Show comments