^

Bansa

‘Non-duty status’ ibinasura Gen. Bartolome nagretiro na lang ng maaga

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor Bartolome ang alok ni Pangulong Aquino na ‘non duty status’ at nagdesisyong magretiro na lang ng maaga matapos ang may 37 taong serbis­yo publiko.

Inanunsiyo ni DILG Sec. Mar Roxas na sa Disyembre 18 ay pormal ng isasalin ni Bartolome ang kapangyarihan kay Deputy Director Alan Purisima sa gaganaping turnover cere­mony.

Si Purisima, miyembro ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Class 1981 at kasalukuyang Directorial Staff ng PNP ang napisil ni Pangulong Aquino na pumalit kay Bartolome ng PMA Class 1980.

Una ng inihayag ng Malacañang na mapipilitan silang ilagay sa ‘non duty status’ si Bartolome kapag hindi ito nagretiro ng maaga sa serbisyo.

Sa Marso 16 pa dapat magretiro sa serbisyo si Bar­tolome pagsapit ng kaniyang ika-56 taong kaa­rawan na mandatory age retirement pero kinaila­ngang magsakripisyo at lumisan ng maaga sa serbisyo dahil nais ng Pangulo na maglagay ng officer-in-charge sa PNP bilang preparasyon sa May 2013 elections.

Tumanggi kasi noong una si Bartolome na maagang magretiro at nais nito ay tapusin ang kanyang termino hanggang Marso 2013 upang makuha raw ng buo ang kanyang retirement benefits.

Inalok ni PNoy si Bartolome na maging kapalit ni DILG Usec. Rico Puno subalit mas ninais ni Bartolome na tapusin ang kanyang termino.

BARTOLOME

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

DEPUTY DIRECTOR ALAN PURISIMA

DIRECTORIAL STAFF

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE MILITARY ACA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RICO PUNO

SA MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with