^

Bansa

Pirmahan sa report ng FOI bill pinalagan ni Tañada

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumalag si House De­puty Speaker Erin Tañada, sa planong idaan pa sa pagdinig  ang pirmahan sa report ng Freedom of Information (FOI) bill.

Ayon kay Tañada, dismayadong dismayado siya sa desisyon ng House Public Information Committee na idaan pa sa hearing pati ang pirmahan ng committee report para maaprubahang substitute bill ng panukalang FOI. Itinakda ng komite ang approval at signing ng committee report sa December 11.

Sinabi ni Tañada, isang linggo na naman ang maaksaya gayung normal practice na umano sa kongreso na iniikot lamang sa mga miyembro ng komite ang committe report  para pirmahan bago ito isumite sa rules committee.

Dahil dito, nag-boluntaryo na si Tañada na akuin ang trabaho, na siya na mismo ang iikot sa tanggapan ng mga kongresista para papirmahin ng committee report at hindi maaksaya ang oras.

Nangangailangan ng 29 na miyembro ng komite upang maaprubahan ang report at kakailanganing i-sponsor sa plenaryo ng chairman ng Public Information Committee ang FOI bill bago ito mapag-debatihan.

 

AYON

COMMITTEE

DAHIL

FREEDOM OF INFORMATION

HOUSE DE

HOUSE PUBLIC INFORMATION COMMITTEE

ITINAKDA

NANGANGAILANGAN

PUBLIC INFORMATION COMMITTEE

SPEAKER ERIN TA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with