^

Bansa

Buyer ng properties ng mga Ampatuan kinasuhan ng BIR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of In­ternal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang sinasabing buyer ng Ampatuan properties na si Atty. Arnel Cortoez Manaloto bunga ng umano’y kabiguan nitong sabihin ang tamang impormasyon ng kanyang Income Tax Return (ITR), bigong i-file ang kanyang Value-Added Tax (VAT) Returns at bi­gong magrehistro para sa VAT Taxable Year 2011 na isang paglabag sa Tax Code.

Kasabay nito, kinasuhan din ng tax evasion ang CPA nitong si Erwin Sicangco Carreon na nag-examine at nag-audit ng books of accounts at iba pang accounting records ni Atty. Manaloto noong 2011 na nagpapa­kita ng mga maling impormasyon sa financial statements ng naturang abogado.

Si Manaloto ay nagsabing may kinita lamang na P1.495 milyon noong 2001 gayung umaabot ito sa P17.50 milyon na nagpapakita ng mala­king pagkakaiba at bigong isama dito ang financial statement na kinita na may P20 milyon na si­nasabing ginamit sa pagbili sa walong (8) pro­perties ni Andal Ampa­tuan, Jr. sa Davao City.

Umaabot sa P37.97 milyong kita ni Manaloto ang hindi naipabatid sa BIR. Bunga nito, bukod sa kasong paglabag sa Tax code, pinagbabayad din si Manaloto ng total tax liability ng halagang P27.56 milyon para sa taong 2011 kasama na dito ang VAT at income tax.

 

ANDAL AMPA

ARNEL CORTOEZ MANALOTO

BUREAU OF IN

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERWIN SICANGCO CARREON

INCOME TAX RETURN

MANALOTO

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with