^

Bansa

‘Paglago ng ekonomiya iparamdam sa mahihirap’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng ika-149 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, na­nawagan sa gobyerno si Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angar na mag­lunsad ng naiibang uri ng rebolusyon – ang pagt­i­yak na mararamdaman ng lahat ang mga bene­pisyo ng paglaki ng ekonomiya, lalo ng mahihirap.

Sinabi ni Angara na nasa posisyon ang bansa para tiyakin na ang pag-unlad ay para sa lahat, lalo’t umangat ng 7.1 porsiyento ang ekonomiya nitong third quarter ng taon.

“Malaking bilang ng mga Pinoy ang nanatili pa ring mahirap. May mga ‘di makapaniwala na lumalaki ang ating ekonomiya dahil ‘di naman nababago ang kanilang buhay. Para maramdaman naman nila, kaila­ngang magkaloob ng mga oportunidad para sa mga indibidwal at pamilya sa pamamagitan ng trabaho at negosyo. Kung may economic growth, dapat ay may equitable growth,” ani Angara.

Malaki pa rin ang agwat ng mayaman at mahirap base sa Gini coefficient ng bansa na 45. Ang Gini coefficient ay isang paraan ng pagsukat sa distribusyon ng yaman tulad ng kita. Ang mababang coefficient ay nangangahulugan ng mas maliit na agwat ng kita o yaman ng mahirap at mayaman.

Lumalabas na malaki ang agwat ng kita ng ma­­yaman at mahirap sa Pilipinas kung ikukum­para sa mga bansa sa Southeast Asia.

 

ANDRES BONIFACIO

ANG GINI

ANGAR

ANGARA

AURORA REP

EDGARDO

GINI

KASABAY

SHY

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with