^

Bansa

Pinas mapanganib pa rin sa media - IPI

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng paggu­nita kahapon ng Maguin­danao massacre kung saan may mahigit 30 me­­diamen ang napatay, inianunsyo ng isang international press watchdog na nananatiling delikado o mapanganib ang Pilipinas para sa mga mamamahayag.

Tinukoy ng Interna­tional Press Institute (IPI) na nakabase sa Vienna, isa pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may ma­taas na antas ng media kil­lings.

Nabatid na umaabot sa 119 mediamen na ang napapatay ngayong taon lamang sa buong mundo. Ito na ang pinakamataas na “death toll” simula noong 1997 nang simu­lan ang pag-momonitor ng IPI sa mga media killings sa buong mundo.

Sa tala ng IPI, na­ngunguna ang Syria sa pinaka-mapanganib na bansa kung saan  may 36 mediamen ang napapatay ngayong 2012.

Pumapangalawa ang Somalia na 16 media practitioners ang napatay. 

Sa Latin America, may 22 journalist umano ang napaslang at mula sa Mexico, Brazil, Honduras at Colombia ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng karahasan sa mga mamamahayag sa rehiyon. Pitong journa­ lists umano ang napatay sa Mexico, lima dito ang napaslang sa state ng Veracruz lamang.

Ang bilang ng mga reporters na napatay sa Mexico ay kasingtaas ng naitala na media killings sa Pilipinas at sa Pakistan.

Sa nasabing rehiyon, ang Brazil ang sumunod na pinaka-mapanganib na bansa kung saan may apat na journalist ang napatay na sinundan ng tatlong media killings sa Honduras at dalawa sa Colombia kabilang na ang isang mamamahayag na pinagbabaril sa Ecuador.

Sa obserbasyon ng na­sabing press watchdog, ang mga mamamahayag ay tinatarget na likidahin o paslangin upang mapigil na magsiwalat ng mga ano­malya at impormasyon.

 

INTERNA

KASABAY

MAGUIN

NABATID

PILIPINAS

PRESS INSTITUTE

SA LATIN AMERICA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with