^

Bansa

Kolumnista ng weekly tabloid pinaaaresto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaaarestong muli ng mababang hukuman ang kolumnista na tumatayong managing editor at editor-in-chief ng weekly tabloid na si Leo D. Villan matapos itong mapatunayang nagkasala sa kasong libelo na isinampa ng dating chairman at Chief Executive Officer ng Phil. Amusement and Gaming Corp. noong Setyembre 2002.

Sa 9-pahinang desisyon ni Judge Silvino T. Pampilo Jr. ng Manila Regional Trial Court Branch 26, pinaaresto ang akusadong si Leo D. Villan ng #2247 F.B. Harrison Street, Doña Adela Bldg., Pasay City sa kasong libelo na isinampa ni da­ting PAGCOR Chairman and CEO Efraim Genuino. Bukod sa pagkakulong ng 6-buwan hanggang 2-taon at 11-buwan ay pinagbabayad din si Villan ng P5 milyong danyos perwisyo at karagdagang P20,000 bilang legal fees.

Base sa record ng kor­te, lumalabas sa reklamo na ang People’s Brigada ni Villan ay naglathala ng malisyoso at mapanirang puri laban sa pagkatao at reputasyon ni  Genuino noong Setyembre 12, 2002.

Naghain naman ng not guilty plea sa arraignment si Villan noong Agosto 13, 2003 dahil ang isyu umano ay isang open letter mula sa mga kawani ng PAGCOR.

Kasabay ng desisyon kay Villan, nagpalabas din ng alias warrant ang nasabing korte laban sa mga kasabwat ni Villan na sina Nestorio Ibanez at Zandro Peralta, na hindi nabasahan ng sakdal at ang kaso ay nasa archive na at maaring buksan muli ang paglilitis sa oras na sila ay madakip.

Ang nasabing kautusan ay nilagdaan at inisyu ni Judge Pampilo Jr. noong Pebrero 20, 2007 at muling nagpalabas ng warrant of arrest na may petsang Nobyembre 5, 2012 na inaatasan ang PNP, National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na arestuhin ang mga akusado.

ADELA BLDG

AMUSEMENT AND GAMING CORP

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EFRAIM GENUINO

HARRISON STREET

JUDGE PAMPILO JR.

JUDGE SILVINO T

LEO D

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with