Kamara, pasok sa imbestigasyon sa Pyramid scam
MANILA, Philippines - Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Kamara kaugnay sa kontrobersyal na pyramiding scam na naka pang biktima ng libo-libong investors sa Mindanao.
Sinabi ni Lanao del Norte Rep. Vicente Belmonte, maghahain siya ng isang resolutiom upang imbestigahan “in aid of legislation” ang multi billion scam na kinasasangkutan ng Aman Futures Incorporated at Jachob ‘ Coco’ Rasuman Group.
Paliwanag ni Belmonte, na siya rin chairman ng House Committee on Dangerous Drugs , maituturing na krimen ang pagnanakaw ng dalawang kumpanya sa mga investors.
Giit pa nito, dugo at pawis ang ipinuhunan ng mga biktima sa kanilang pera gayundin mayroon pang nagbenta o nagsangla ng kanilang mga ari-arian.
Maging si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel ay nagpahayag na rin ng intensiyon na mag-imbestiga sa pyramiding scam ng Aman Futures kung saan umabot sa P12 bilyon ang naloko sa mga naglagak ng pondo.
- Latest