LP kulelat sa survey ng Strat polls

MANILA, Philippines - Kulelat o walang puma­sok sa magic 12 na miyembro ng Liberal Party ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ng pinakahuling senatorial survey ng Strat polls kung saan ay muling nanguna sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Loren Legarda.

Tanging ang mga guest candidate ng administration ang pumasok sa magic 12 sa Nov. 5-12 survey ng Strat polls.

Bumagsak sa ika 13 puwesto si Rissa Hontiveros-Baraquel habang si former Sen. Jamby Madrigal (LP) ay nasa 17-18 na ranking habang nasa 15th rank si MTRCB chair Grace Poe-Llamanzares at nasa 20-21 na puwesto ang presidential cousin na si Bam Aquino.

Umakyat naman sa rank 9-10 si Puerto Prin­cesa Mayor Edward Hagedorn mula sa rank 14 at umakyat din sa rank 6 si Cagayan Valley Rep. Jackie Enrile mula 10-11 rank.

Nasa 12th slot naman si former Sen. Juan Miguel Zubiri at umakyat din si San Juan Rep. JV Ejercito sa rank 5.

Show comments