4,000 kababaihan sa Navotas, benepisyaryo ng Cervical Cancer Screening Program
MANILA, Philippines - Pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pagkakaloob ng mas maraming serbisyong pangkababaihan na may kinalaman sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng kanilang Gender and Development (GAD) Council sa pangunguna ni Mayor John Reynald M. Tiangco.
Ito’y matapos matuklasan sa ginawang pag-aaral na sa 10 nangungunang sanhi ng cancer mortality sa lungsod, tatlo rito ay dumadapo sa mga kababaihan, kabilang ang breast, cervical at uterine cancer.
Kamakailan lamang ay naki-tied up ang pamahalaang lungsod sa Glaxo SmithKline at Bravehearts Foundation Inc. sa paglulunsad ng advocacy campaign na “Big Fight Against Cervical Cancer” na nagpo-promote sa cervical cancer awareness at prevention.
Dahil dito, pinalakas at pinalawak ng GAD Council, ang kanilang Cervical Cancer Screening Program na naglalayong maagang ma-detect ang cervical cancer para mabawasan ang bilang ng nasasawi rito.
Ang aktual Cervical Cancer Screening ay sinimulan noong Marso 7, 2012 at magtatapos sa December 5, 2012.
- Latest