^

Bansa

NAIA bantay sarado sa drug mules

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsanib puwersa ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa anti-drug operation ng mga ito laban sa mga dayuhang pumapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  na may dalang droga.

Nitong Nobyembre 8, 2012 ay nagkaroon ng  kasunduan sa pagitan nina Customs Commissioner Ruffy Biazon at PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. upang malansag ang mga drug  syndicate na nakabase sa bansa  particular ang mga drug courier na pumapasok sa mga paliparan.

Ang naging hakbangin ng PDEA ay kasunod ng matagumpay na anti-drug operation ng BOC kung saan  magkakasunod na nadakip ng mga tauhan ni Biazon ang ilang dayuhan na may bitbit na droga sa kanilang  bagahe na ang pinakahuli ay nasabat sa NAIA Terminal 1.

Nakasaad sa kasunduan na makabuo ng roadmap upang mapalakas ang kanilang koordinasyon at koope­rasyon sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon upang mas matutukan ang mga papasok at papalabas na mga pasahero at mapigilan ang ano mang pagtatangka sa pagpupuslit ng illegal drugs gamit ang mga paliparan sa bansa.

Ang BOC at PDEA ay ilan sa mga ahensiya ng gob­yerno na miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) na nangangalaga ng paliparan.

 

BUREAU OF CUSTOMS

CACDAC JR.

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG INTERDICTION TASK GROUP

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NITONG NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with