DFA bahala sa sexual harassment ng Phl envoy
MANILA, Philippines - Ipinauubaya ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang reklamong sexual harassment ng isang OFW laban kay Philippine Ambassador to Kuwait Shulan Primavera.
Magugunita na inireklamo ng isang OFW sa Blas Ople Center si Primavera dahil sa umano’y pangmo-molestiya sa kanyang Pinay maid sa Kuwait.
Wika ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, humihingi ng permiso ang DFA kay Pangulong Aquino upang imbestigahan si Primavera sang-ayon sa Foreign Service Act.
Pinababalik na sa bansa ng DFA ang ambassador at iniutos na ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na i-recall si Primavera, 63.
Si Primavera ay appointee ni Pangulong Aquino noong Hunyo 2010 bilang ambassador sa Kuwait.
Nilinaw ng DFA na wala pang rekomendasyon na ibinababa upang suspindihin si Primavera habang isinasagawa ang pagsisiyasat.
- Latest