Phl envoy sa Kuwait pinapauwi na dahil sa sexual harrasment
MANILA, Philippines - Pinababalik na sa bansa ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Phl Ambassador to Kuwait Shulan Primavera, 63, na inireklamo ng umano’y pangmo-molestiya sa kanyang Pinay maid sa Kuwait.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, iniutos na ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na i-recall si Primavera at agad simulan ang imbestigasyon laban dito.
Inatasan din ang ambassador na sagutin ang alegasyong sexual harassment ng kanyang Pinay maid na itinago sa pangalang Jenny na nagsilbi sa naturang diplomat bilang katulong sa loob ng walong buwan.
Si Jenny ay nagsumbong sa Blas Ople Center sa ilalim ng pamumuno ni Susan Ople hinggil sa umano’y pang-aabuso ni Primavera na nananatiling nasa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait.
Si Primavera ay appointee ni Pangulong Aquino noong Hunyo 2010 bilang ambassador sa Kuwait.
- Latest