^

Bansa

Abalos supalpal sa Taiwan trip

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court ang petisyon ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. na makalabas ng bansa tungo sa Taiwan habang dinidinig ang kasong electoral sabotage ukol sa dayaan noong 2007 Senatorial Elections.

Sa desisyon ni Judge Jesus Mupas ng RTC Branch 112, walang nakitang sapat na dahilan ang korte para magtungo ng apat na araw ngayong buwan si Abalos na nagsabing bibili ng mga “fingerlings” ng bangus na mas mura umano sa Taiwan.

Sinabi rin nito na sapat naman umano ang suplay ng bangus “fingerlings” sa lokal na merkado base sa sertipikasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaya walang rason na nakikita ang korte para umalis si Abalos.

Isinampa ni Abalos ang naturang mosyon noong Oktubre 18. Ikinatwiran nito na makikipagpulong umano siya sa mga negosyante sa Taiwan ukol sa bangus fingerlings na ibinibenta ng mga ito ng higit na mura sa presyuhan sa merkado ng Pilipinas.

Hinarang naman ito ng Comelec prosecution pa­nel na nagsabing maaari naman na ang mga kausap na negosyante ni Abalos ang magtungo sa Pilipinas para sa kanilang pagpupulong at hindi na ito lumipad.

 

ABALOS

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

HINARANG

IBINASURA

JUDGE JESUS MUPAS

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

PILIPINAS

SENATORIAL ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with