^

Bansa

P500M LRT fund hanap

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) si Cavite Rep. Irineo “Ayong” Maliksi kung paano umano ginastos ang P500 milyon pondong pang-relokasyon at pabahay ng may 2,000 pamilya na apektado ng LRT-1 extension project sa lalawigan.

Ito ang nabatid sa sulat ni dating LRTA administrator, Melquiades “Mel” Robles, kay Maliksi matapos maalarma sa ulat na naubos na ang P500 milyon at 180 bahay lang ang naitayo gayong sa kasunduan ay 2,000 bahay para sa mga apektadong residente ng Parañaque, Las Piñas at Cavite.

Noong Enero 18, 2010, ay sumulat umano si Maliksi kay Robles para sabihing wala nang natira sa P500 milyon at para maituloy ang proyekto sa 20-ektar­yang lupain sa Bgy. Santiago, Gene­ral Trias ay kailangan pa nito ng dagdag na pera.

Sinabi umano ni Maliksi sa LRTA na ang unang 100 bahay ay masisi­mulan sa Enero 2010 at ang kabuuang 2,000 bahay ay matatapos sa Mayo 2011.

Para malinawan kung paano nagamit ang pondo, bumuo ang LRTA ng isang komite na mag-iimbestiga sa ginawang pag­gasta sa nasabing halaga.

Sinasabing ang im­bestigasyon ng LRTA ay nagpahina umano sa depensa ni Maliksi na “political harassment” ang nasa likod ng reklamong katiwalian sa paggastos ng pondo ng proyekto na kinakaharap niya ngayon sa Ombudsman.

Bukod kay Maliksi, ini­reklamo rin sina Doris Ensomo, dating provincial accountant at Cynthia Monteclaros, “broker” sa naturang transaksyon at iba pang “John/Jane Does.”

Pero tila “nakanal” ang imbestigasyon sa kon­trobersiya matapos raw makumbinsi ni Maliksi si Pangulong Aquino na ilagay si Rafael Rodriguez, bilang kapalit ni Robles nang umalis ito sa puwesto noong Agosto 16, 2010, sa kasagsagan ng LRTA probe.

Si Rodriguez, dating “board member” (bokal) sa Cavite noong pinag-uusapan ang relocation project para sa LRT-1 extension, ang provincial chairman ng Liberal Party (LP) sa Cavite na kinabibilangan ni Maliksi at PNoy.

Kinuha rin niya si Doris Onsomo, kapwa-aku­ sado ni Maliksi sa Ombudsman, bilang “chief of staff” niya sa LRTA.

CAVITE

CAVITE REP

CYNTHIA MONTECLAROS

DORIS ENSOMO

DORIS ONSOMO

JANE DOES

MALIKSI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with