^

Bansa

PNoy, GMA ‘no show’ sa puntod ng mga magulang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa hindi nagpakita sa puntod ng kani-kanilang yumaong mga magulang sina Pangulong Benigno Aquino III at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tanging si Presidential Sister Viel Aquino-Dee ang bumisita kahapon sa puntod nina yumaong Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Benigno Aquino Jr. sa kanilang musoleo sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Dakong ala-1:40 ng hapon nang dumating si Viel kasama ang asawa at mga anak sa puntod ng mga magulang, nagsindi ng kandila, nag-alay ng bulaklak at panalangin saka lumisan dakong alas-2:03 ng hapon.

Pagkaalis ni Viel, agad ding umalis ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ngunit may mga naiwan na tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagbabantay sa musoleo ng pamilya Aquino-Cojuangco.

Patuloy rin naman ang pagdating ng mga tao sa himlayan ng angkan ng mga Aquino na nag-alay ng pa­nalangin habang mas marami naman ang nagpapalitrato na mistulang itinuturing na “tourist site” ang lugar.

Hindi rin naman nakadalaw si dating Pangulo at Pampanga Rep. Arroyo sa puntod ng amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal na nakahimlay sa Li­bingan ng mga Bayani sa Makati City.

Sinabi ni Atty. Anacleto Diaz, isa sa abogado ni Arroyo, na hindi umano kakayanin ng kalusugan ng kanyang kliyente ang bumiyahe at bumisita sa yumaong ama lalo na’t maraming tao sa sementeryo.

Naunang pinayagan ng Sandiganbayan si CGMA na makalabas ng anim na oras sa VMMC para magtungo sa Libingan ng mga Bayani sa kondisyong maglalagak ito ng P1 milyong cash bond.

ANACLETO DIAZ

BAYANI

MAKATI CITY

MANILA MEMORIAL PARK

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PAMPANGA REP

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

PANGULONG DIOSDADO MACAPAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with