Pagbasa ng sakdal kay Padaca naudlot

MANILA, Philippines - Naudlot ang itinakdang pagbasa ng sakdal kahapon kay dating Isabela governor at ngayo’y Comelec Commissioner Grace Padaca kaugnay ng kinasasangkutang kasong graft at malversation of public funds.

Ito’y matapos na pagbigyan ng Sandiganbayan ang urgent motion ng kampo ni Padaca na humihiling na ipagpaliban ang arraignment sa kanya kahapon dahil mayroon siyang mosyon na nakasampa sa Supreme Court kaugnay ng kaso.

Sinasabing mababalewala lamang ang mosyon sa SC kung itutuloy ang pagbasa ng sakdal kay Padaca.

Si Padaca ay nagkakaso dahil umano sa hindi tamang paglustay ng pera ng lalawigan ng Isabela noong nakaupo pa bilang gobernador.

 

Show comments