^

PSN Opinyon

Unang Pasko ayon kay Mateo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SAAD sa unang 17 bersikulo ng Kapitolo 1 ni Mateo:

“1Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

”2-11 Mula kay Abraham hanggang kay Haring David, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: Abraham, Isaac, Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid; Juda na ama ni Fares at Zara kay Tamar; Fares, Esrom, Aram, Amina­dab, Naason, Salmon, Boaz na anak ni Salmon kay Rahab; Obed na anak ni Boaz kay Ruth; at Jesse na ama ni Haring David.

Shutterstock Photo

“6b-11 Mula naman kay Haring David hanggang sa naging bihag ang mga taga-Juda sa Babilonia, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: David, Solomon na anak ni Haring David sa asawa ni Urias, Rehoboam, Abias, Asa, Jehoshafat, Joram­, Ozias, Jotam, Acaz, Ezequias, Manases, Ammon, Josias, Jeconias at ang mga kapatid nito.

“12-16 At pagkatapos na sila’y maging bihag sa Babilonia hanggang sa ipanganak si Jesus, ang mga ninuno niya ay sina: Jeconias, Salatiel, Zerubabel, Abiud, Eliakim, Azor, Sadoc, Aquim, Eliud, Eleazar, Matan, Jacob, at si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang ina ni Jesus—ang tinatawag na Cristo.

“17 Samakatuwid, may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia at labing-apat din mula sa pagkabihag sa Babilonia hang­gang kay Cristo.”

Bakit kinailangan ilista ni Mateo lahat sila?    Paspasang kinopya ng mga madre sa Cordilleras ang kwento ng unang Pasko. Pinamudmod nila ito sa mga batang baryo. Inalis ang unang 17 bersikulo. Tuloy na agad sa bersi­kulo 18: “Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo….” Matapos ang kwento tungkol sa Banal na Pamilya, mga Pastores at Tatlong Hari, nagtanong ang mga bata: “To­to­ong tao po ba si Jesus?” Hindi sila makapaniwala­, kasi hindi binanggit ang kanyang angkan. Para sa kanila, hindi ka tao ku’ng wala kang ninuno.

PASKO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with