^

Probinsiya

P90 million shabu nasabat sa Sorsogon port

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P90 million shabu nasabat sa Sorsogon port
Masusing iniimbentaryo ng isang PDEA agent ang mga nakumpiskang 18 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P90 milyon mula sa dalawang hinihinalang drug courier na nasabat sa Matnog Port sa Sorsogon nitong Sabado. (Photo: PDEA-Matnog Port)
STAR/ File

MATNOG, Sorsogon, Philippines — Aabot sa P90-milyong halaga ng shabu ang matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa compound ng Matnog Port sa Brgy. Caloocan, Matnog, Sorsogon noong Sabado ng gabi.

Arestado ang dalawang suspek na nagtangkang ipalusot ang mga droga sa mahigpit na pagbabantay ng PDEA Matnog Port na kinilalang sina Arsad Yusof Kabilan, 30-anyos, ng Sharif Aguak at Jehamin Kumpi Tato, 21-anyos, ng Talitay, pawang taga-Maguindanao.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi sa tulong ng mga kasapi ng National Intelligence Coordinating Agency-Manila Northern District katuwang ang Matnog Municipal Police, Regional Enforcement Team at Philippine Ports Authority (PPA) ay inilatag ang “interdiction operation” ng PDEA-Special Interdiction Unit sa pa­ngunguna ni Intelligence Agent l Rowell Eduarte at PDEA-Sorsogon Provincial Office sa pangunguna ni Intelligence Agent V Adrian Fajardo sa overall supervision ni regional director Edgar Jubay laban sa dalawang hinihinalang drug dealers.

Kapwa hindi nakapalag ang dalawa nang arestuhin matapos makuhanan ng bultu-bultong droga.

Nakuha sa posesyon ng mga suspek ang 211 piraso ng medium heat sealed plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 50-milyong piso at 8-bricks ng shabu na umaabot naman sa halagang 40-milyon.

Tumitimbang ang lahat ng nabawing droga sa 18-kilo at may street value na P90,000,000.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with