P1.3 million shabu nakumpiska sa Zamboanga buy-bust
COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang 28-anyos na lalaking nabilhan ng mga hindi unipormadong anti-narcotics agents ng P1.3 million na halaga ng shabu sa Barangay Cawit, Zamboanga City nitong Biyernes.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo, kinumpirma ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Police Office-9 na nakadetine na ang suspect na si Khaiser Daris, at sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Daris ay agad na inaresto ng mga magkasanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-9 at mga kasapi ng iba’t ibang unit ng PRO-9 at ng Zamboanga City Police Force matapos siyang magbenta sa kanila ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa ikinasang anti-drug operation sa Zone 7 sa Barangay Cawit.
Ayon kay Brig. Gen. Bowen Joey Masauding, naikasa ang naturang matagumpay na buy-bust operation matapos mag-ulat ang ilang local officials sa Zamboanga City hinggil sa illegal na gawain ni Daris na sangkot sa malakihang pagbebenta umano ng shabu sa lungsod at mga karatig na mga bayan sa Zamboanga Sibugay.
- Latest