84 kilo ng shabu nasabat sa PNP ops

MANILA, Philippines - Aabot sa 84 kilo ng shabu ang nasabat ng mga pulis sa isinagawang raid sa Batangas.

Tiklo ang mga tulak na sina Gary Tan, Argay Argenos, at Rochelle Argenos sa isinagawang paglusob ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa LPL Ranch , Brgy. Inosloban, Lipa City.

Sa bisa ng warrant of arrest ay nadakip ng mga pulis ang mga suspek bandang 8:30 ng umaga, ayon kay PNP public information office chief Reuben Theodore Sindac

Nabawi rin mula sa mga suspek ang kalibre .45 at 10 bala at isang 12-gauge Winchester rifle.

Nakakulong ngayon sa AIDSOTF national headquarters sa Camp Crame, Quezon City ang mga suspek habang gumugulong ang imbestigasyon.

Show comments