MANILA, Philippines - Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na may mandatong mangalap ng pondo para sa mga prograÂmang pangkalusugan at mga charity ng bayan, ay ang nag-iisang institusyon na patuloy na nagbibigay ng tulong pinansiyal sa isang liblib na ospital ng distrito sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).
Nagbigay ang PCSO sa Dr. Serapio B. Montaner Al Haj Memorial Hospital sa Lanao del Sur, ARMM ng Endowment Fund for Medicines na nagkakahalaga ng P500,000 para sa mga charity patients ng ospital. Naglilingkod ang ospital sa higit sa isandaang libong populasyon.
Sa sulat ni Romeo Montaner MD, Chief of Hospital kay PCSO Chairman Margie Juico, nagpasalamat ito sa pagbibigay ng ahensiya ng kinakailangang gamot para sa mga mahihirap na pasyente, na nakapagliligtas ng kanilang buhay. Ang mga serbisyo ng ahensiya ay pagpapaospital, dialysis, mga gamot, chemotherapy drugs, laboratory/diagnostic procedures, wheelchair, hearing aid, implant/prosthesis, medical at dental missions, out-patient consultations at ambulance conductions.
“Nais talaga naming marating ang pinakamalalayo at pinakaliblib na bahagi ng bansa. Ito ang trabaho ng PCSO. Naglilingkod kami sa mga pinakamahihirap nating mga kababayan para sila rin ay mabiyayaan at magkaroon ng pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan,†ani Chairman Juico.