Jodi hindi buntis - Jolo Revilla

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng aktor at politikong si Jolo Revilla na buntis ang kanyang girlfriend Jodi Sta. Maria.

Inihayag ni Revilla ang kanyang paliwanag sa micro-blogging site na Twitter.com.

Sinabi ng vice-governor ng Cavite na nais nilang maging pribado ang kanilang pagmamahalan.

“She is not pregnant and we are not yet married. What we have right now is something special and we want to keep it private because I love her so much,” sabi niya.

Pero dagdag ni Jolo na oras na magbunga nga ang kanilang pagmamahalan ay kaagad niyang ipapaalam ito sa publiko.

“Kung sakaling tutuo man 'yan, kayo po unang unang makakaalam. Godbless,” banggit niya.

Kumalat ang balitang buntis si Jodi nang lumabas siyang buntis sa ABS-CBN morning drama “Be Careful With My Heart kung saan katambal niya si Richard Yap.

Nauna nang sinabi ni Jodi na “I never lost faith in love” matapos mauwi sa hiwalayan ang pag-iisang dibdib nila ng kayang ex-husband Pampi Lacson noong 2011.

Show comments