Recall sa Manila Bay reclamation ikinatuwa

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng S & P Construction Technology and Development Company ang naging aksyon ng Pasay City Council na i-recall ang 54.5 billion peso Manila Bay reclamation project.

Nagpasalamat ang kumpanya sa City Council at kay Mayor Antonino Calixto dahil sa remedial actions upang itama ang selection/bidding process.

Para sa S & P, ang Resolution No. 3059 na nag-recall sa lahat ng resolusyong may kaugnayan sa raw reclamation and horizontal development ng 300 hectares off-shore and in-shore parts sa Manila Bay, ay katunayan na nais ng lokal na pamahalaan ng competitive, transparent at open bidding sa bawat kontrata o proyekto.

Ang resolusyon ng City Council ay mahalagang hakbang upang itama ang ginawa sa proseso.

Umaasa naman ang kumpanya na ikukunsidera ni Mayor Calixto at ng PPP Selection Committee ang pagba­langkas ng bagong proseso sa bidding upang bigyang daan ang iba pang bidder at stakeholders na makasama sa negosasyon.

Show comments