'Tao ka pa rin, you also need love' - Eugene Domingo

MANILA, Philippines – Halos nakuha na ng komedyanteng si Eugene Domingo ang mga gusto niya sa buhay maliban sa isang bagay, ang love life.

Matapos gumawa ng anim na pelikula ngayong 2013, kabilang ang pinakabagong “Momzillas” at “Status: It’s Complicated,” sa dulo ng bawat araw ay nais niyang may makasama rin sa buhay.

“In 2014, I think I’m just gonna put up a garden, learn how to raise flowers and trees, and look for someone to have tea in the garden with,” kuwento ni Eugene.

Sinabi ng 42-anyos na wala siyang dine-date sa ngayon pero tao lamang siya at gusto rin niyang magmahal.

“And at the end of the day, after you realize na this is more than I have dreamed of, tao ka pa rin, e. Tao ka pa rin. You also need love,” dagdag niya.

Sinabi pa ng komedyante na maiiba ang kanyang buhay kapag dumating na ang kanyang inaantay.

“Life is gonna be more interesting if another character comes into my life, my real life.”

Samantala, bago humanap ng love life ay busy si Eugene para sa kanyang Metro Manila Film Fest entry na “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” kung saan si Sam Milby ang kanyang leading man.

 â€œI have to admit this is the most fun for me—and the most demanding, and the most challenging and the most fulfilling,”kuwento ni Eugene.

 â€œHindi siya pwede magtagal na sawa na ang tao. So we might as well end this on a high note,” sabi ni Eugene na ikinuwento huli nang pelikula na ito ng Kimmy Dora.

Show comments