MANILA, Philippines – Labindalawang paliparan at higit 400 biyahe ng eroplano ang kanselado dahil sa paghagupit ng bagyong “Yolanda†ngayong Biyernes.
Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi maaaring lumipad ang mga eroplano dahil sa malakas na hangin at matinding pag-ulan mula kaninang umaga.
Naunang nagsara ang mga paliparan sa Tacloban, Surigao, Kalibo, Roxas, Caticlan, Iloilo, Romblon, Legazpi, Masbate at Dumaguete kaninang alas-12 ng tanghali.
Itinigila na rin naman ng Busuanga aiport sa Palawan at Bacolod Airport ang kanilang operasyon ngayong hapon.
Umabot na sa 453 biyahe ng mga eroplano ang nakansela mula kahapon hanggang bukas, Sabado.
Nagbabala kaninang umaga si CAAP deputy director general Capt. John Andrews sa mga paliparan na huwag mag atubiling magsara kapag binayo ng bagyong Yolanda.