^

Balita Ngayon

12 paliparan, higit 400 biyahe pinaralisa ni 'Yolanda'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labindalawang paliparan at higit 400 biyahe ng eroplano ang kanselado dahil sa paghagupit ng bagyong “Yolanda” ngayong Biyernes.

Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi maaaring lumipad ang mga eroplano dahil sa malakas na hangin at matinding pag-ulan mula kaninang umaga.

Naunang nagsara ang mga paliparan sa Tacloban, Surigao, Kalibo, Roxas, Caticlan, Iloilo, Romblon, Legazpi, Masbate at Dumaguete kaninang alas-12 ng tanghali.

Itinigila na rin naman ng Busuanga aiport sa Palawan at Bacolod Airport ang kanilang operasyon ngayong hapon.

Umabot na sa 453 biyahe ng mga eroplano ang nakansela mula kahapon hanggang bukas, Sabado.

Nagbabala kaninang umaga si CAAP deputy director general Capt. John Andrews sa mga paliparan na huwag mag atubiling magsara kapag binayo ng bagyong Yolanda.

 

BACOLOD AIRPORT

BIYERNES

BUSUANGA

CAPT

CATICLAN

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DUMAGUETE

ILOILO

ITINIGILA

JOHN ANDREWS

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with